Friday, July 17, 2009

Umaapaw na Kagalakan

Galak na galak ako

O aking Diyos

Nagagalak na ako’y

Magpuri sa ‘Yo


Sa Iyo ko lang nadama

Damdaming ito

Nag-uumapaw ito

Sa puso ko


Sapagkat ako’y Iyong iniligtas

Binigyan ng bagong buhay

Pinalaya, pinatawad,

Sa lahat ng kasalanan


Hale-Haleluya, Purihin Ka Ama

Hale-Haleluya, Luwalhatiin Ka

Hale-Haleluya, Sinasamba Kita

Hale-Haleluya, Itataas Kita

Itataas Kita

1 comment: