Friday, July 17, 2009

Kami’y Katagpuin

Narito kami, nagpapakumbaba

Sumasamba sa iisang Diyos

Hinahanap namin

Kariktan ng Iyong mukha

Sumasamo sa Iyong pagkilos


Tulay:

At sa himig na hain

Tanging dalangin, Kami’y katagpuin


Koro:

Iparanas mo sa ‘min

Ang Iyong kapangyarihan

Iparanas mo sa ‘min

Ang Iyong kaluwalhatian


Hanggang ang aming kaluluwa’y

Mapuspos nang lubusan

At sa aming kalagitna’ay bumaba

Ang kalangitan

Dakila ang Iyong ngalan

No comments:

Post a Comment